Overconfident na doktor, mapapadpad sa nakaraan sa 'Regal Studio Presents: Just in Time'

GMA Logo Just in Time

Photo Inside Page


Photos

Just in Time



Isang time travel love story ang tampok sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.

Pinamagatang "Just in Time," tungkol ito sa isang doktor na makikilala ang younger version ng isa sa kanyang mga pasyente.

Overconfident ang doktor na si Justin (Yasser Marta) at mas pinahahalagahan pa niya ang mga natatanggap na awards kaysa sa kanyang mga pasyente.

Isa sa mga pasyente niya si Lumina, matandang babae na magsasabing matagal na silang magkakilala ni Justin.

Hindi naman ito papansinin ng doktor hanggang magising na lang siya at napadpad na sa nakaraan.



Dito niya makakaharap ang mas batang version ni Lumina (Angel Guardian).

Ano ba ang dapat matutunan ni Justin kay Lumina at sa nakaraan?

Huwag palampasin ang brand-new episode na "Just in Time," November 24, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:


Yasser Marta
Angel Guardian
Time travel
Young
Past
Present
Just in Time

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December