Veterinarian, bet na bet ng isang writer sa 'Regal Studio Presents: Betty and the Vet'

Para sa mga naghahanap ng inspirasyon ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Betty and the Vet," kuwento ito ng writer na si Betty (Cheska Fausto) na tila naubusan na ng creative juices.
Makikilala niya ang veterinarian na si Iñaki (Rob Gomez) at ito ang magbibigay ng inspirasyon para tapusin niya ang kanyang manuscript.
Para manatiling ganado sa pagsusulat, naghahanap ng iba't ibang paraan si Betty para bumalik sa clinic ni Iñaki.
Si Iñaki na ba ang sagot sa writer's block, at pati na tigang na love life ni Betty?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Betty and the Vet," January 12, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






