Chickboy, magiging chicks sa 'Regal Studio Presents: Buddy and Sue'

Isang kakaibang transformation story ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Buddy and Sue," mararanasan ng isang playboy ang buhay ng mga babae.
Notorious heartbreaker si Buddy (Anjay Anson), na bibisita sa resort ng kanyang kaibigan. Habang nandito, popormahan niya ang isang guest na hindi naman interesado sa kanya.
Isang gabi, magugulat na lang si Buddy nang mag-transform siya bilang magandang babae na si Sue (Chanty Videla).
Maka-survive kaya si Buddy bilang si Sue? Makakabalik pa ba siya sa dati niyang katawan?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Buddy and Sue," February 9, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






