Germaphobe, may atraso sa kanyang kapitbahay sa 'Regal Studio Presents: My Sweet Girl Next Door'

Kuwento ng magkapitbahay na polar opposites ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "My Sweet Girl Next Door," hindi mahilig lumabas ng bahay o tumanggap ng mga bisita sa kanyang tahanan ang germaphobe na si Columbus (Will Ashley).
Magkakaroon siya ng bagong kapitbahay, ang baker at fortune teller na si Krista (Mika Reins).
Dahil sa isang aksidente na si Columbus ang dahilan, mababalian ng braso si Krista.
Bilang apology, tutulungan ni Columbus si Krista sa daily tasks nito, kahit pa kailanganing lumabas siya ng bahay para dito.
Kumusta kaya ang experience ni Columbus sa labas ng kanyang bahay?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Sweet Girl Next Door," February 16, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






