Basurero, tatamaan ng suwerte sa 'Regal Studio Presents: My Lucky Charmaine'

Usapang suwerte ang matutunghayan sa brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na "My Lucky Charmaine," magdadala ng suwerte sa isang basurero ang special little girl na makikilala niya.
Sinisikap mag-ipon ng basurerong si Ricky para sa pamasahe niya pabalik ng Leyte.
Pero lagi namang nababawasan ang perang itinatago niya dahil na rin sa sarili niyang bisyo.
Matatagpuan niya sa kanyang kariton si Charmaine. Pilit niyang iiwan si Charmaine pero masisilaw siya sa alok nitong pera.
Mapapansin din ni Richie na tila may dalang suwerte sa kanya ang bata.
Sino ba talaga si Charmaine? Magtatagal ba ang dala niyang suwerte kay Richie?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Lucky Charmaine," February 23, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






