Witness, mafo-fall sa kanyang bodyguard sa 'Regal Studio Presents: Sugar and Spy'

May self-defense ba laban sa love?
'Yan ang kuwentong tampok sa brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na "Sugar and Spy," magiging witness sa isang krimen si Sugar (Ashley Ortega).
Dahil dito, kailangan niyang sumailalim sa witness protection program kung saan babantayan siya ng pulis na si Spy (Jak Roberto).
Sobrang strikto ni Spy kay Sugar habang nasa hideout kaya hindi sila magkasundo.
Para naman hindi mabagot si Sugar at mawala sa isip nito ang kaso, tuturuan niya ito ng self-defense.
Paano kung ma-fall si Sugar kay Spy? Mapoprotektahan ba ni Spy si Sugar?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Sugar and Spy," March 2, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






