Male fashion designer, magkukunwaring babae sa 'Regal Studio Presents: Bobby Baby Boom'

Para sa mahilig sa fashion ang brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Bobby Baby Boom," kuwento ito ng aspiring designer na si Bobby.
Mag-a-apply siya bilang assistant ng sikat na fashion designer pero babae ang hinahanap nito para sa trabaho.
Para matanggap, magkukunwari si Bobby bilang babae na si Baby at maha-hire siya bilang yaya ng anak nitong si Boom.
Makulit at mahilig sa pranks si Boom pero mapapansin ni Bobby na may interes din ito sa fashion.
Paano magiging totoo sa kanilang mga sarili sina Bobby at Boom?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Bobby Baby Boom," March 23, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






