Unica hija, magpapala ng graba at semento sa 'Regal Studio Presents: Love Under Construction'

Gagawin ng isang anak ang lahat para sa kanyang tatay sa brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Love in Construction," kuwento ito ng unica hija na si Princess (Cheska Fausto) na magtatrabaho bilang construction worker.
Injured at baon pa sa utang ang ama niya kaya siya muna ang aako ng trabaho nito.
Bibigyan siya ng chance ng site engineer na si Harold kahit duda ito sa kakayanan ni Princess.
Magagawa ba ni Princess ang mabibigat na trabaho sa construction site? Tama ba ang desisyon ni Harold na payagan si Princess na magtrabaho dito?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Love Under Construction," March 30, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






