Pretty girl, nakakabasa ng isip sa 'Regal Studio Presents: What Boys Think'

Isang exciting na brand-new episode ang hatid ngayon Sundya ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Makikilala ng tatlong magpipinsan ang isang pretty pero mysterious girl sa "What Boys Think."
Ipapadala sa probinsiya sina Glenn, Patrick, at Bernard bilang parusa sa kanilang mga kapilyuhan.
Dito nila makikilala si Jocelyn na nagtatrabaho bilang helper sa vacation house nila.
Magpupustahan sina Glenn, Patrick, at Bernard kung sino ang unang magiging boyfriend ni Jocelyn.
Pero may itinatagong powers si Jocelyn--nababasa pala niya ang isip ng mga boys!
Matuturuan kaya niya ng lesson ang mga ito?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "What Boys Think," April 6, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






