Dating magkarelasyon, reunited sa ride-hailing app sa 'Regal Studio Presents: Rider with the Ghoster'

Makaka-relate ang mga gumagamit ng ride-hailing apps sa brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Rider with the Ghoster," kuwento ito ng dating magkarelasyon na muling magkikita dahil sa pagbu-book ng sasakyan.
Masipag na motorcycle rider si Spencer. Heartbroken siya noong bigla na lang hindi nagparamdam sa kanya ang girlfriend na si Jane.
Mahirap man pero nagawa rin niyang mag-move on matapos ma-ghost ng kanyang kasintahan.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, mabu-book ni Jane si Spencer!
Ito na ba ang second chance para kina Spencer at Jane?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Rider with the Ghoster," May 4, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






