Apo, gagamitin sa clout-chasing ang kanyang lolo sa 'Regal Studio Presents: Lolo Clickbait'

Para sa mga aspiring vloggers ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Lolo Clickbait," kuwento ito ng isang social media star na gagawing content ang huling mga araw ng sarili niyang lolo.
Bibisitahin ni Gabbie ang kanyang Lolo Nelson dahil may sakit na ito ang maikli na lang ang oras nito sa buhay.
Balak ni Gabbie na gumawa ng vlog dito dahil sigurado siyang hahakot ng views ang mga emosyonal na eksena sa pagitan nila ni Lolo Nelson.
Kung laging nakatutok ang camera kina Gabbie at Lolo Nelson, magkakaroon kaya sila ng tunay na quality time?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Lolo Clickbait," June 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






