Mag-amang hindi close, magkakapalit ng katawan sa 'Regal Studio Presents: Changing Lives'

Isang Father's Day special ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Changing Lives," kuwento ito ng mag-amang magkakapalit ng katawan.
Very busy sa kanyang negosyo ang chef na si Jayden. Dahil dito, wala na siyang oras para sa anak niyang si Reign.
Kahit hindi sila gaanong nakakapag-usap napakataas ng expectations ni Jayden sa kanyang anak. Dahil dito, hindi makapag-share si Reign sa kanyang tatay tungkol sa buhay niya bilang estudyante at teenager.
Dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari, magkakapalit ng katawan sina Jayden at Reign. Mas maiitindihan na kaya nila ang isa?
Huwag palampasin ang brand-new episode at Father's Day special na "Changing Lives," June 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






