GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay, Bruce Roeland and Easy Ferrer
What's on TV

Sofia Pablo, Allen Ansay at Bruce Roeland, maraming natutunan mula kay Direk Easy Ferrer

By Marah Ruiz
Published September 16, 2021 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay, Bruce Roeland and Easy Ferrer


Si Easy Ferrer ang nagsilbing direktor ng 'Raya Sirena' na pinagbidahan nina Sofia Pablo, Allen Ansay at Bruce Roeland.

Magaan at masaya raw ang naging taping ng mga young Kapuso stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay at Bruce Roeland sa mermaid fantasy special na Raya Sirena, ang pangalawang kuwento sa anthology series na Regal Studio Presents.

Lubos din nilang na-enjoy ang pakikipagtrabaho nila sa kanilang direktor na si Easy Ferrer. Si Direk Easy din ang nagsilbing direktor ng unang episode ng Regal Studio Presents na That Thin Line Between starring Ken Chan at Sanya Lopez.

Siya rin ang nag-direct ng boys love o BL series na Ben x Jim at ng 2020 Metro Manila Film Festival entry na The Missing.

"First time ko siyang makatrabaho. Sobrang saya niyang katrabaho kasi para siyang kaibigan. Hindi siya intimidating kasama. Magaan talaga siyang ka-work. Para mo siyang close friend. Talagang bibigyan ka niya ng tips on how you can make it better," papuri ni Sofia kay Direk Easy.

"Super thankful ako na siya 'yung nag-direct kasi tinulungan niya ako na mas mapaganda pa si Raya Sirena," dagdag pa niya.

Nagpapasalamat naman si Allen sa tulong ng direktor pati na ng buong production team sa kanyang mga eksena.

"Napakagaan kasi ni Direk, tapos lahat ng prod talagang iisa-isahin nila sa iyo na ganito ang gagawin mo. Hindi sila papayag na 'Ah okay na 'to, puwede na 'to.' Talagang [sinisigurado] nila na maganda 'yung kalabasan," lahad ni Allen.

Inihambing naman ni Bruce sa mga Korean drama ang kinalabasan ng kanilang episode.

"Sobrang galing talaga ni Direk Easy. Pero hindi lang si Direk Easy, 'yung buong team, 'yung buong production, ang galing nila lahat. 'Yung paggawa ng mga scenes, 'yung iba't ibang shots ang ganda, parang Korean drama," ayon kay Bruce.

Sa Raya Sirena, gaganap si Sofia bilang Raya, isang dalagitang maisusumpa na maging sirena. Susubukan niyang itago ang nangyari sa kanya sa tulong ng anak ng caretaker ng kanilang resort na si Gavin, role ni ni Allen. Ipapahamak naman siya ng kanyang boyfriend na si Joshua, role naman ni Bruce, nang ipakalat nito sa social media ang nangyari kay Raya.

Huwag palampasin ang pangalawang bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents na Raya Sirena, September 18, 8:30 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: