GMA Logo Gabbi Garcia and Khalil Ramos
What's on TV

Ano ang kayang gawin nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos para sa one million comments?

By Marah Ruiz
Published September 23, 2021 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Khalil Ramos


Bilang mga lead stars sa "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," ibinahagi nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos kung ano'ng kaya nilang gawin para sa isang milyong comments.

Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa isang milyong comments?

Ito ang tanong na sasagutin sa upcoming telemovie na "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," ang pangatlong offering mula sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Tampok dito si Kapuso actress Gabbi Garcia bilang Ana Marie, isang online tutor na nangangarap makapagtrabaho sa Australia.

Dala ng isang dare, ipapangako niya na hahanap siya ng boyfriend kapag nagkaroon ng isang milyong comments ang isang social media post niya.

Matapos ang isang taon, magba-viral ang post ni Ana Marie at ito ang simula ng paghahanap niya ng pag-ibig online!

Makakasama ni Gabbi sa episode ang kanyang real-life boyfriend na Khalil Ramos na gaganap bilang Prince Matt, isang IT expert na mag-aayos ng laptop ni Ana Marie.

Tulad ng mga karakter nila sa "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," tech savvy din sina Gabbi at Khalil. May sarili silang web series at pati na podcast, bukod pa sa sarili nilang well-curated Instagram accounts.



Ano nga ba ang kayang gawin nina Gabbi at Khalil para sa isang milyong comments?

"One million comments? One million comments, magpapagupit ako," pahayag ni Gabbi.

Isa sa mga striking features ni Gabbi ang kanyang long at straight na buhok kaya kakayanin daw niya itong paiklian kung sakaling magkaroon siya ng ganoon kalaking social media feat.

"Magpo-post ako ng TikTok dance video, pero mahirap magka-one million comments," sagot naman ni Khalil na aminadong hindi niya strong suit ang pagsasayaw.

Abangan sina Gabbi at Khalil sa "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," ang pangatlong bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents, September 25, 8:30 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilan nilang eksena sa gallery na ito.