What's on TV

Joyce Ching, ilang beses na-prank si Anna Vicente sa set ng 'Regal Studio Presents: The Truth About Jane'

By Marah Ruiz
Published October 29, 2021 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

The Truth About Jane


Habang nakasuot ng white lady costume sa taping ng 'Regal Studio Presents: The Truth About Jane,' ilang beses daw na-prank ni Joyce Ching si Anna Vicente.

Ilang beses daw na-prank ni Kapuso actress Joyce Ching ang kanyang co-star at kapwa Kapuso actress na si Anna Vicente sa set ng "The Truth About Jane," ang horror-comedy episode at Halloween special ng weekend anthology na Regal Studio Presents.

Inside image: https://www.facebook.com/RegalEntertainmentInc/photos/a.696394617060631/4833921116641273/

Alt text: Regal Studio Presents: The Truth About Jane

Gaganap si Joyce dito bilang Jane, ang white lady na nagmumulto sa ancestral house nina Marcia, karakter naman ni Ashley Ortega.

Dahil naka-costume na pang white lady, lagi daw ginugulat ni Joyce si Anna, na gumaganap naman bilang Iris, isa sa mga kababata ni Marcia na bibisita sa kanilang bahay para sa isang reunion.

"Noong taping, ilang beses kong natakot si Anna dahil sa cosutme ko. Siya 'yung nasa may pinto ng standby area so after ko mag-take, lagi akong tumatayo lang doon sa gilid niya tapos magugulat siya," kuwento ni Joyce sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong October 27.

"Tapos wala siyang sinasabi," dagdag naman ni Anna na aminadong matatakutin sa mga ganoong bagay.

Gayunpaman, inilarawan niya bilang isang masayang experience ang shooting nila ng "The Truth About Jane."

"'Yung set namin sobrang saya lang. Nag-film kami ng horror-comedy pero sobrang saya ng set namin kasi sobrang nakakatuwa. Kasama ko si Joyce, si Ashley, si Kiray (Celis), si Dave (Bornea). Lahat kami madaldal. Kahit nakakatakot 'yung location namin, kahit alas singko ng umaga, nagdadaldalan pa rin kami," pahayag ni Anna.

Samahan ang barkada nila sa Halloween special na "The Truth About Jane" sa Regal Studio Presents, October 31, 4:35 p.m. sa GMA.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: