
Looking forward ang tatlong young Kapuso stars na sina Lexi Gonzales, Kim de Leon at Anjay Anson na mapanood ng mga viewers ang "Magkaibigan, Nagkaibigan."
Ito ang bagong episode mula sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Para kay Kim, marami raw makaka-relate sa kanilang youth romantic comedy episode.
"Sa title pa lang, gets niyo na 'di ba? Very relatable 'yung ating story kasi ang character ko dito, 'yung kaibigan ni Lexi. May pagtingin ako sa kanya pero siyempre torpe. Hanggang sa malaman ko pala na may crush siyang iba, na hindi pala ako 'yung gusto. Stuck na ko doon sa friendzone. Abangan niyo kung paano ako makakalabas doon or makakabalas ba ako," pahayag ni Kim sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 11.
Naaliw naman daw si Lexi sa pagganap sa kanyang character na inilarawan niya bilang isang quirky fangirl.
"Ang role ko naman po dito ay si Lanelle. Isa po akong quirky and kalog na may pangarap maging artista. Dahil pangarap kong maging artista, isa rin po akong fangirl. Fangirl naman po ako ng character ni Anjay dito," paliwanag naman niya tungkol sa kanyang karakter.
Si Anjay naman, first time lalabas sa isang show bilang isang bagong Kapuso artist.
"Ako naman si Arjun, Arjun Singh. Tulad ng sabi ni Lexi, ako 'yung artista doon na sobrang iniidolo ni Lanelle. One day magkakatagpo rin kami. Abangan na lang natin kung anong susunod na mangyayari," lahad naman ni Anjay.
Ayon sa tatlo, may mahalagang mensahe daw ang episode tungkol sa mga pangarap.
"Matutuunan nila mostly maghintay ng tamang oras, 'yung panahon mo lang talaga in general, hindi lang sa pag-ibig. Matututo kang maghintay whether sa pag-ibig or sa career mo or sa buhay lang," ani Kim.
"I think 'yung mga may pangarap din maging artista kagaya ko, huwag lang susuko. Go lang nang go. I-gather natin 'yung mga taong sumusuporta sa atin sa paligid natin para makatulong sa pagtupad natin ng pangarap," bahagi naman ni Lexi.
"Pinaka natutunanan ko dito is hindi masamang mangarap. Kahit malaki man o maliit yan, siyempre ang buhay weather-weather lang eh. Anything can happen in life so dapat stay inspired lang tayo," pahayag naman ni Anjay.
Abangan sina Lexi, Kim at Anay sa "Magkaibigan, Nagkaibigan" sa Regal Studio Presents, November 14, 4:35 pm sa GMA.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: