
Isang kaabang-abang na fantasy drama ang pangalawang Christmas special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Pinamagatang "Ethan's Return," tampok dito sina Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada.
Source: jolo.estrada, theatolentino and jdomagoso IG
Si Thea ay si Grace, isang babaeng may mapapait na alaala sa Pasko.
Ten years ago, naaksidente at namatay ang kanyang first love na si Ethan, karakter ni Joaquin, habang papunta ito sa kanilang tahanan para mag-Noche Buena.
Magkasamang magluluksa si Grace at ang best friend ni Ethan na si Clark, karakter ni Jolo. Magiging malapit sina Grace at Clark at kalaunan ay magpapasyang magpakasal.
Habang naghahanda ang dalawa para sa kanilang kasal, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang kailangan nilang harapin. Magbabalik si Ethan hindi bilang multo kundi bilang isang buhay na tao at nanatili siyang 17 years old sa pisikal na anyo at alaala.
Bakit nagbalik si Ethan matapos ang maraming taon? Paano maaapektuhan ng kanyang pagbabalik ang relasyon nina Grace at Clark?
Alamin 'yan sa pangalawang Christmas offering ng Regal Studio Presents na "Ethan's Return," December 12, 4:35 pm sa GMA.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito: