
Isang mahusay na performance ang ipinamalas ni young Kapuso actor Will Ashley sa katatapos lang na episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Source: @willashley17 Instagram
Siya kasi ang bumida sa episode na pinamagatang "My Favorite Son."
Gumanap siya dito bilang Christian, isang binatang nangangarap maging musician. Kaya lang, pinu-push siyang maging seaman ng kanyang ama na nangangarap na maging kapitan ng barko si Christian sa kalaunan.
Dahil dito, magagawa niyang magsinungaling sa kanyang ama.
Naipakita ni Will sa episode ang husay niya sa mga dramatic scenes. Bukod dito, naipamalas din niya ang talento niya sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Mainit na tinanggap ng netizens ang performance ni Will kaya naman pasok siya at ang episode sa top 10 trending topics sa Twitter Philippines.
Maraming Salamat sa mga nakiTWEET sa #RSPMyFavoriteSon kahapon! 😍
-- Regal Entertainment Inc. (@RegalFilms) January 17, 2022
Trending FIRST SPOT, 4:35PM ang ating episode yesterday! 😳 Marami pa ang dapat abangan every Sundays sa #RegalStudioPresents, 4:35PM!#RSPMyFavoriteSon pic.twitter.com/wrENA6juF1
Nakasama ni Will sa episode sina Prince Carlos na gumanap bilang kanyang kuya na si Carlo, at si Allan Villafuerte na siya namang gumanap bilang ama nilang si Celso.
Panoorin ang isa sa mga madamdaming eksena mula sa episode sa video sa itaas.
Samantala, patuloy na patnubayan ang iba pang mga kuwento ng Regal Studio Presents, every Sunday, 4:35 pm sa GMA.