
Sina Kate Valdez at Yasser Marta ang bibida sa Valentine episode na pinamagatang "Ex Marks the Heart" ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Kuwento ito ng ex-lovers na hindi inaasahang magkita muli sa trabaho.
Ibinahagi naman nina Yasser at Kate ang kanilang mga karakter sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong February 11.
"Ako po dito si Andi, ang ex-jowa ni Julio na gagampanan ni Yasser. Si Andi po dito ay isang napakasipag at napaka-jolly person. The story is about two ex-lovers na nagkaroon ng bitter past. Hindi nila ine-expect na magkikita pa ulit sila. Since unexpected, it's challenging for Andi dahil nagulat siya na makakatrabaho niya ang kanyang ex. Paano kaya yun?" lahad ni Kate.
"I play the role of Julio. Si Julio dito isa 'kong barista, nagwo-work ako sa coffee shop. Si Julio may pagka makulit at 'yung self-confidence niya medyo mataas. Medyo may yabang pero hindi naman sobra. Si Julio, mayroon siyang unfinished business sa kanilang dalawa ni Andi. Mayroon ding unexected na nangyari sa kanilang work place na dapat nilang abangan," bahagi naman ni Yasser.
Para kay Kate, may mensahe raw tungkol sa maayos na kumunikasyon ang episode.
"Mapa-romantic relationship pa 'yan or friendship niyo and sa family, importante talaga 'yung may good communication and 'yung pagiging honest niyo din sa feelings niyo. Hindi niyo alam, mas puwedeng makatulong kapag nag-speak up kayo. Sabihin niyo sa isang tao 'yung gusto niyong sabihin kasi 'pag hindi, puwede rin siyang maging cause ng problema sa relationshop and eventally makasira pa," ani Kate.
Para naman kay Yasser, matututunan ng mga manonood ang halaga ng pagpapatawad.
"Ito talaga tina-tackle dito 'yung love at 'yung second chances. Iba't iba naman tayong tao, hindi naman tayo pareparehas. Mayroon ding madali magpatawad. May mga nagsasabi na kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo kayang mga tao lamang. 'Yun ang dapat nilang abangan, kung ano ang mangyayari sa love story nila Julio at Andi," paliwanag ni Yasser.
Abangan ang Valentine's special na "Ex Marks the Heart," February 13, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: