
Tila reunion project ng showbiz newbies na sina Rob Gomez at Alexa Miro ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Matapos magtambal sa hit film na A Girl and A Guy ni Erik Matti, muli silang magiging co-stars sa episode na "Messy Thing Called Love."
Iikot ang kuwento nito sa dalawang taong polar opposites ang personality pero kailangang magkasundo dahil titira sila sa iisang condominium unit.
Gaganap si Alexa bilang Lorraine, na pansamantalang tutuloy sa condo unit ng kaibigan niyang si Aileen para makalimutan ang kanyang recent heartbreak.
Hindi niya inaasahang biglang uuwi sa Pilipinas mula Amerika ang kapatid ni Aileen na si Jadson, karakter ni Rob, at tutuloy rin sa condo.
Sa una pa lang, hindi na magkakasundo sina Lorraine at Jadson dahil sa kaibahan ng kanilang mga ugali. Neat freak kasi si Lorraine habang messy at carefree si Jadson.
Matututo ba silang magkasundo?
Abangan 'yan sa "Messy Thing Called Love," February 27, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: