What's on TV

Paul Salas at Kate Valdez, paglalapitin ng isang scam sa 'Regal Studio Presents: Open-Minded'

By Marah Ruiz
Published June 10, 2022 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Andy Gemao officially commits to US NCAA DI team Penn State
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez and Paul Salas


Open-minded sa business, pero paano naman kaya pagdating sa pag-ibig, open-minded pa rin ba? Panoorin sina Paul Salas at Kate Valdez sa 'Regal Studio Presents: Open-Minded.'

Magtatambal ang Kapuso stars na sina Paul Salas at Kate Valdez sa bagong episode of season opener ng Regal Studio Presents.

Magbubukas ang fourth season ng weekend anthology series sa episode na pinamagatang "Open-Minded."

Gaganap dito si Kate bilang Mona, isang college student na mag-i-invest ng kanyang pera sa isang marketing company.

Magdadalawang-isip pa siya sa una dahil pambayad ng tuition niya at ng kanyang kapatid ang perang hawak niya. Pero makukumbinsi siya ng gwapo at smooth-talker na si Gino, karakter naman ni Paul.

Laking gulat na lang ni Mona nang magkatotoo ang kinatatakutan niya. Scam lang pala ang kumpanya at agad itong magsasara!

Paano maibabalik kay Mona ang kanyang investment? Dapat ba niyang pagkatiwalaan muli si Gino na nangakong babawi sa kanya?

Huwag palampasin ang season four opener na "Open-Minded," June 12, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: