What's on TV

Benjie Paras at Prince Carlos, tampok sa Father's Day special ng 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published June 16, 2022 6:13 PM PHT
Updated June 17, 2022 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Benjie Paras and Prince Carlos


Gaganap bilang mag-ama ang athletes turned actors na sina Benjie Paras at Prince Carlos sa "Most Valuable Daddy," ang Father's Day special ng 'Regal Studio Presents.'

Saktong Father's Day tatapat ang upcoming new episode ng Regal Studio Presents.

Kaya naman isang touching story na tungkol sa bond ng isang ama at ng kanyang anak ang mapapanood sa "Most Valuable Daddy."

Tampok dito ang kapwa athletes turned actors na sina Benjie Paras at Prince Carlos.

Si Benjie ay si Emerson, isang OFW na uuwi matapos ang isang dekada ng pagtatrabaho abroad.

Magiging cold naman ang pakikitungo sa kanya ng kaisaisa niyang anak na si Sonny, played by Prince.

Pakiramdam kasi ni Sonny, hindi siya pinapahalagahan ni Emerson dahil mas pinili nitong lumayo at magtrabaho sa ibang bansa.

Paano mare-repair ang samahan ng mag-ama?

Huwag palampasin ang Father's Day special na "Most Valuable Daddy," June 19, 3:45 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: