What's on TV

Real-life sweethearts Jake Vargas at Inah de Belen, magtatambal sa 'Regal Studio Presents: Flowers for Sylvie'

By Marah Ruiz
Published July 22, 2022 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Inah de Belen and Jake Vargas


Magtatambal ang real-life Kapuso couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen sa 'Regal Studio Presents: Flowers for Sylvie.'

Isang real-life couple na naman ang mapapanood sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sina Kapuso couple Jake Vargas at Inah de Belen ang bibida sa episode na "Flowers for Sylvie."

Tungkol ito sa isang babaeng patuloy na makakatanggap ng mga bulaklak mula sa yumao niyang boyfriend.

Si Inah ay si Sylvie na nagkukulong sa bahay matatpos mamatay ang kanyang longtime boyfriend.

Si Jake naman ay si Aldred, isang flower shop owner na personal na nagde-deliver ng mga bulaklak kay Sylvie araw-araw.

Bago kasi mamatay ang boyfriend ni Sylvie, nag-order ito ng flowers mula kay Aldred para araw-araw na makapagpadala ng bouquets sa nobyang maiiwan.

Hindi pa makapaniwala si Sylvie na mula sa yumaong boyfriend ang mga bulaklak hanggang kumbinsihin siya ni Aldred.

Sa labis na lungkot at bigat ng kalooban, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sylvie kay Aldred na nais lamang maisakatuparan ang huling habilin ng kanyang kliyente.

May paraan pa ba para maibsan ang kalungkutang nadarama ni Sylvie para maka-move on sa buhay? Makatulong kaya si Aldred para bumalik ang ngiti sa mga labi ni Sylvie?

Panoorin ang kuwento nila sa "Flowers for Sylvie," July 24, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.