
Isang real life couple na naman ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ang Kapuso couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos kasi ang bibida sa episode na pinamagatang "Love, Share, Subscribe."
Image Source: regalfilms50 (Instagram)
Gaganap dito si Paul bilang Gab, isang sikat na vlogger. Social media manager naman niya si Sunny, played by Mikee.
Maayos ang working relationship ng dalawa kahit mayroon silang nakaraan. Naging cold at distant si Sunny, habang idinadaan naman sa pagiging pilyo at mapagbiro ni Gab ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Maipagpapatuloy pa ba nila ang pagtatrabaho together? Sino sa kanilang dalawa ang binago ng panahon?
Abangan ang pagpapakilig nina Paul at Mikee sa brand new episode na "Love, Share, Subscribe," September 4, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: