What's on TV

Angel Guardian, gaganap bilang law student na bawal mag-boyfriend sa 'Regal Studio Presents: Ate Knows Best'

By Marah Ruiz
Published October 7, 2022 2:58 PM PHT
Updated April 2, 2023 8:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelina Jolie bares mastectomy scars in magazine feature
'Puno Ng Puso Ang Paskong Pinoy' (2025 GMA Christmas Station ID Jingle) official audio released
4 entrapped in Mandaue City for land title scam

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


Bukod kay Angel Guardian, kasama rin sa 'Regal Studio Presents: Ate Knows Best' sina Sarah Edwards at Dustin Yu.

Si Kapuso actress Angel Guardian ang bibida sa bagong episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang "Ate Knows Best."

Gaganap si Angel dito bilang Blessie, isang law student na kasalukuyang nagre-review para sa bar exam.

Ulila na si Blessie kaya ang kanyang Ate Virgie, played by Sarah Edwards, ang sumusuporta sa pag-aaral niya.

Para masigurong magiging abogado tulad niya si Blessie, ipagbabawal ni Virgie ang kahit anong distractions--maging ang boys!

Pero may secret boyfriend si Blessie, ang classmate niya sa law school na si Dave, karakter ni Dustin Yu.

Ano ang mangyayari kung makahalata si Virgie at malaman ang sikreto nina Blessie at Dave?

Abangan ang kuwentong 'yan "Ate Knows Best," April 2, 4:40 p.m. sa Regal Studio Presents.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: