
Sina Sanya Lopez at Rob Gomez ang bibida sa isang episode ng Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Budol Queen," gaganap dito si Sanya bilang Eliza, isang babaeng ang modus ay magkunwaring nabundol ng sasakyan para makapang-scam.
Ginagawa niya ito para ipagamot ang kanyang kapatid na si Kakai, played by Cheska Fausto. Bukod dito, pangarap din ni Eliza na maging isang chef para maiwan na niya ang mundo ng pambubudol.
Makakakita ng oportunidad si Eliza nang magkunwari siyang mabundol ng mayamang businessman si James, played by Rob Gomez. Ito pa mismo ang mag-aalok sa kanya na mag-stay sa bahay nito habang nagpapagaling.
Heartbroken si James dahil biglang umatras sa kasal nila ang kanyang fiancee. Buti na lang, nariyan si Eliza at magiging close ang dalawa.
Paano matatanggap ni James kung malaman niyang balak lang ni Eliza na ipuslit ang mga mamahaling gamit niya para kumita ng pera?
Abangan ang kuwentong 'yan "Budol Queen," October 29, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: