What's on TV

Touching father-daughter story, hatid ng 'Regal Studio Presents: My Father's Song'

By Marah Ruiz
Published January 28, 2023 12:20 PM PHT
Updated July 27, 2023 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi and Chuckie Dreyfus


Sina Cassy Legaspi at Chuckie Dreyfus ang bibida sa touching father-daughter story na 'Regal Studio Presents: My Father's Song.'

Isang musical father-daughter story ang tampok sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Bibida sina Cassy Legaspi at Chuckie Dreyfus sa episode na pinamagatang "My Father's Song."

Si Chuckie ay si Jay, isang musician na mas pinili ang pagbabanda kaysa kanyang pamilya. Sa kasamaang palad, hindi naman siya naging successful sa kanyang career.

Si Cassy naman ang anak niyang si Michelle na malapit nang mag-migrate sa Canada kasama ang nanay nito.

Gusto sana ni Jay na makapiling ang anak bago ito tuluyang umalis ng Pilipinas. Pero may hinanakit si Michelle sa ama dahil sa pag-iwan nito sa kanya ilang taon na ang nakalilipas.

May pagkakataon pa bang magkaayos ang mag-ama?

Abangan ang kuwentong 'yan sa "My Father's Song," July 30, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: