
Cute na mother-daughter episode ang hatid nina Elijah Alejo at Maxine Medina sa Regal Studio Presents.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "Hot Momma," kasama ang young actor na si Josh Ford.
Si Elijah ay si Lecel, ang very conservative at tila manang na anak ng former model at hot momma na si Sonya, played by Maxine.
Excited si Lecel sa pagbisita ng kaibigan niyang si Andrei, karakter ni Josh.
Batid ni Sonya na may crush si Lecel kay Andre kaya todo ang encouragement niyang mag-ayos ang anak para mas mapansin din siya ng kaibigan.
Ang hindi nila alam, interesado pala si Andrei na makatagpo si Sonya dahil nais niyang magpa-autograph ng isang men's magazine kung saan ito ang cover girl.
Ang pretty mommy ba ang magiging cause ng insecurity ng sarili niyang anak?
Abangan 'yan sa "Hot Momma," March 31, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: