Mapapanood na ang newest Kapuso drama series na 'Return To Paradise' sa GMA Afternoon Prime.
Ito ay pinagbibidahan nina Kapuso hunk Derrick Monasterio, Sparkle star Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes.
Mapapanood din sa 'Return To Paradise' ang mga mahuhusay na aktor at aktres na sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
Ang istorya ng 'Return To Paradise' ay tungkol sa dalawang college students na sina Eden Sta. Maria (Elle) at Red Ramos (Derrick), na masa-stranded sa isang isla matapos ang isang trahedya.
Habang sila'y nasa isla, sina Red at Eden ay mahuhulog sa isa't isa at mabubuo ang kanilang pag-iibigan. Bukod dito, ang kuwento ng seryeng ito ay iikot din sa pagmamahal sa pamilya.
Kilalanin ang star-studded cast ng 'Return To Paradise' sa gallery na ito.
Bibigyang buhay ni Sparkle actress Elle Villanueva ang role bilang Eden Santa Maria, ang babaeng maagang namulat sa mga pagsubok sa buhay. Siya ang dalagang bibihag sa puso ni Red.
Gaganap si Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang Red Ramos, ang school jock at campus heartthrob. Mahanap kaya ni Red kay Eden ang pagmamahal na ipinagkakait sa kaniya?
Mapapanood si seasoned actress Eula Valdes bilang Amanda, ang ina ni Eden na ipinakulong dahil sa sala ng iba.
Si Teresa Loyzaga ay mapapanood bilang Rina, ang self-absorbed at absentee mother ni Red. Pahihirapan niya si Amanda dahil sa pag-aakalang may kinalaman ito sa pagkamatay ng kaniyang anak.
Si Ricardo Cepeda ay gaganap bilang Victor, ang ama ni Red at asawa ni Rina.
Ang sexy Kapuso actress na si Liezel Lopez ay mapapanood bilang si Sabina, ang babaeng papagitna sa pag-iibigan nina Red at Eden.
Gagampanan ni Kapuso actress-comedian Kiray Celis ang role bilang Raichu, ang best friend ni Eden.
Mapapanood si Paolo Paraiso bilang Zandro, ang kapatid at kasabwat ni Rina sa pagpapahirap sa ina ni Eden na si Amanda.
Bibigyang buhay ni Allen Dizon ang karakter na si Lucho, ang asawa ni Amanda na tutulungan siyang umahon sa kahirapan.
Mapapanood ang 'Return To Paradise' tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.