
Mapapanood na sa Hulyo ang upcoming drama series na Return To Paradise na pinagbibidahan nina Kapuso stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Elle, ibinahagi niya na excited siyang makatrabaho si Eula sa nalalapit na serye dahil sa galing nito sa pag-arte.
“Sobrang favorite ko si Ms. Eula [Valdes]. So noong sinabi sa akin, sobrang na-excite ako kasi gusto ko [rin siya] ma-meet in person and gusto ko marinig din 'yung mga experience niya sa industry. Gusto ko talagang maka-work siya kasi sobrang galing niya,” pagbabahagi ni Elle.
Super excited din ang Sparkle newbie na makatrabaho ang Kapuso hunk na si Derrick. Ayon kay Elle, mabilis silang nagkasundo ng aktor noong una silang nagkita.
Aniya, “Super excited din ako makipag-work with Derrick. Actually, the first time I met him face-to-face, nagka-vibe agad kami. I mean, nagkaroon ng connection. I'm sure na…alam mo 'yon na parang walang magiging problema.”
Sa naging panayam naman ni Derrick sa “Chika Minute” ng 24 Oras, masaya siya na si Elle ang makakapareha niya sa Return To Paradise.
Kwento ng Kapuso hunk, “Masayang-masaya ako na si Elle 'yung ka-partner ko dito kasi sa workshop pa lang, click na kami agad, e. Tapos madali siyang pakisamahan, and ang ganda, ganda lang ng banter namin.
“So feeling ko, magkakasundo talaga kami sa island.”
Kabilang din sa star-studded cast ng Return To Paradise sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
Samantala, silipin ang stunning looks nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio noong MEGA Ball 2022 sa gallery na ito.