
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise na pinagbibidahan nina Kapuso stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes.
Nitong August 1, nakakuha ang pilot episode ng 7 percent rating, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa panalong rating, pasok din sa ikawalong pwesto ng Twitter Philippines trending list kahapon ang world premiere ng serye na may hashtag na #ReturnToParadise.
PHOTO COURTESY: Twitter Philippines
Matatandaan na ipinakilala sa unang episode ng Return To Paradise ang mga karakter nina Elle bilang Eden Sta. Maria, ang sporty raketera na pinatapang ng mga pinagdaanan sa buhay, at Eula bilang Amanda, ang butihing nanay ni Eden na ipinakulong dahil sa sala ng iba.
Napanood din dito sina Derrick Monasterio bilang Red Ramos, ang school jock at heartthrob, Teresa Loyzaga bilang Rina, ang self-absorbed at absentee mother ni Red, Kiray Celis bilang Raichu, ang best friend ni Eden, at si Karel Marquez bilang Dindi, ang kapatid ni Amanda.
Huwag palampasin ang maiinit na mga eksena sa Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG LOCK-IN TAPING NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.