GMA Logo Liezel Lopez, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, and Kiray Celis
PHOTO COURTESY: liezel.lopez, _ellevillanueva, derrickmonasterio, kiraycelis (IG)
What's on TV

Liezel Lopez, humanga sa acting skills nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Kiray Celis sa 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano
Published August 3, 2022 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Liezel Lopez, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, and Kiray Celis


Sparkle actress Liezel Lopez sa acting skills ng kanyang 'Return To Paradise' co-stars: “Sobrang dali lang po nung flow ng each character.”

Isa sa mga dapat abangan sa bagong Kapuso drama series na Return To Paradise ay ang Sparkle actress na si Liezel Lopez.

Sa serye, bibigyang buhay ng sexy Kapuso star ang karakter ni Sabina, ang ka-love triangle nina Red (Derrick Monasterio) at Eden (Elle Villanueva).

PHOTO COURTESY: GMA DRAMA (FB)

Sa ginanap na online media conference ng Return To Paradise, humanga raw si Liezel sa acting skills ng kanyang co-stars na sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Kiray Celis.

“Actually, na-amaze talaga ako sa acting skills nina Derrick, Kiray, and Elle. Sobrang ina-admire ko po sila kasi pagdating na pagdating po namin doon sa island tapos nag-start kami agad ng work, sobrang dali na lang po talaga ng trabaho, as in,” pagbabahagi niya.

Patuloy niya, “Wala masyadong parang ilangan gano'n, sobrang dali lang po nung flow ng each character.”

Ikinuwento rin ni Liezel ang kanyang karanasan noong sila ay nagte-taping sa Jomalig Island sa Quezon.

Aniya, “Actually 'yung nag-two-piece po, dito ko lang siya nagawa. And happy ako at saka very new experience ito [na] makapag-taping kami sa island talaga. Parang dream ko nga po ito, ang sarap magtrabaho. Nag-try din po kami before pumunta sa set, kailangan namin mag-habal-habal, ganyan.

“Kumbaga, every day kapag gigising kami, ang sarap-sarap sa feeling na magtrabaho kasi iba na naman 'yung ma-e-experience namin.”

Masayang masaya rin ang aktres dahil kabilang siya sa seryeng ito at sa pagkakataong makatrabaho ang kanyang mga kapwa artista.

“Super happy po ako and honored din ako to be a part of this show, and to experience na makatrabaho 'yung mga kasama ko rito si Derrick, si Elle. Sobrang happy po ako,” ani Liezel.

Mapapanood ang Return To Paradise simula August 1 sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG RETURN TO PARADISE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO: