
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang Kapuso afternoon drama series na Return To Paradise.
Sa in-upload na episode highlight ng GMA Drama sa Facebook, makikita ang matinding eksena sa pagitan nina Sabina (Liezel Lopez), Red (Derrick Monasterio), at Eden (Elle Villanueva).
Mapapanood dito na nagulat si Eden nang masaksihan niyang magkahalikan sina Sabina at Red. Matatandaan na si Sabina ay ang dating nobya ni Red.
Sa ngayon, ang naturang episode clip ay mayroong mahigit 2.2 million views sa GMA Drama Facebook page.
Ano kaya ang mangyayari ngayon sa pagitan nina Red at Eden?
Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga eksena sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.