
Sa ikaapat na linggo ng Return To Paradise, tumakbo papalayo si Eden (Elle Villanueva) matapos makitang magkahalikan sina Red (Derrick Monasterio) at Sabina (Liezel Lopez). Sa pag-uusap nina Red at Eden, ipinaliwanag ng una na ex-girlfriend niya si Sabina ngunit hindi naniwala ang huli.
Nahanap naman ni Eden ang kanyang best friend na si Raichu (Kiray Celis) sa isla at nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang mga napagdaanan. Tinapos na rin ng dalaga ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Red.
Nahulog naman sina Eden at Sabina sa isang kumunoy at ang unang sinagip ni Red ay ang dalaga bago ang kanyang ex-girlfriend. Matapos ito, biglang sumakit ang mga paa ni Sabina.
Labis na nagulat naman si Eden nang matuklasan na nagpapanggap lamang si Sabina na masakit ang kanyang mga paa para makuha ang atensyon ni Red.
Sa pagkikita nina Red, Eden, at Sabina, nalaman na ng binata ang kasalanan ng huli. Muling nagbalik ang pagmamahalan nina Red at Eden sa isa't isa matapos mabulgar ang kasinungalingan ni Sabina.
Samantala, isang rescue team ang dumating sa isla at hinanap ni Red sina Eden at Raichu. Sa hindi inaasahang pangyayari, bigla siyang naaksidente at nawalan ng malay matapos madulas sa bato.
Patuloy pa rin ang pagsisinungaling ni Sabina at sinabi niya sa rescue team na wala ng ibang survivors sa isla kundi sila ni Red.
Ano kaya ang mangyayari kina Eden at Raichu sa isla? Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise dito.
Return To Paradise: The fire fades away between Red and Eden | Episode 16
Return To Paradise: The end of an island affair | Episode 17
Return To Paradise: Red initiate hot love with Eden | Episode 18
Return To Paradise: Unveiling the truth | Episode 19
Return To Paradise: Sabina and her endless lies | Episode 20
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.