GMA Logo Eula Valdes, Elle Villanueva, Teresa Loyzaga
What's on TV

Return To Paradise: Ang matinding rebelasyon | Week 6

By Dianne Mariano
Published September 12, 2022 4:39 PM PHT
Updated September 12, 2022 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes, Elle Villanueva, Teresa Loyzaga


Mapapanindigan kaya nina Red at Eden ang kanilang pagmahahal sa isa't isa? Balikan ang mga maiinit na tagpo sa ikaanim na linggo ng 'Return To Paradise' rito.

Matapos magkaharap nina Red (Derrick Monasterio) at Amanda (Eula Valdes), hindi makapaniwala ang binata nang makita niyang magkasama ang huli at si Eden (Elle Villanueva) sa labas ng eskwelahan.

Sa pag-uusap nina Red at Eden, nalaman ng una mula sa dalaga ang totoong nangyari sa pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid. Nangalap naman si Red ng impormasyon tungkol sa nangyaring insidente noon.

Isang hindi inaasahang aksidente naman ang nangyari dahil sa patuloy na panunuyo ni Red kay Eden. Nang dahil sa pagpapanggap ni Red na siya'y nasaktan sa aksidente, inamin ng dalaga na mahal pa rin niya ang binata.

Matapos ang kanilang pag-aayos, plano nina Red at Eden na itago muna ang kanilang pagmamahalan mula sa kanilang mga magulang.

Samantala, patuloy na sinisiraan ni Sabina (Liezel Lopez) si Yenyen (Elle VIllanueva) kay Rina sa pag-aakalang babalik si Red sa kanya.

Nais naman ni Red na sorpresahin si Eden ngunit tila ang kanilang mga ina na sina Rina at Amanda ang nagulat nang makitang magkasama ang mga anak nila. Hindi matanggap ni Rina na ang nobya ni Red ay ang anak ng taong ipinakulong niya dahil sa pagkamatay ng kanyang panganay.

Mapapanindigan kaya nina Red at Eden ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise dito.

Return To Paradise: The truth came out of Eden's mouth| Episode 26

Return To Paradise: Red investigates his brother's death | Episode 27

Return To Paradise: Red's persuasion game gone wrong | Episode 28

Return To Paradise: Sabina and her short temper issues | Episode 29

Return To Paradise: A catastrophe between two families | Episode 30

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.