GMA Logo Elle Villanueva
What's on TV

Elle Villanueva, nakatutok sa exercise at diet para sa kanyang role sa 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano
Published September 14, 2022 11:29 AM PHT
Updated September 14, 2022 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Alamin kung paano napapanatili ni Kapuso star Elle Villanueva ang kanyang pangangatawan RITO:

Masipag si Return To Paradise star Elle Villanueva sa pag-aalaga ng kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at proper diet.

Kabilang sa diet ng aktres ay ang pag-inom ng maraming tubig at fasting.

PHOTO COURTESY: GMA News (YT)

“Lagi akong umiinom ng four liters of water, especially if madami akong nakain the day before. Para ma-flush 'yung mga kinain mo, kailangan mong uminom ng madaming tubig.

“And then I do fasting, I eat at 3PM and then hanggang 10PM lang ako kumakain. Tapos sa morning, laging black coffee lang,” kuwento niya sa "Chika Minute" report ng 24 Oras.

Disiplinado rin si Derrick Monasterio na pangalagaan ang kanyang katawan para sa mga daring at topless na eksena niya sa Return To Paradise.

Bukod dito, ipinasilip din ng dalawang Sparkle artists sa Instagram ang ilang behind-the-scenes at never-before-seen footage ng kanilang taping sa Jomalig Island.

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)

Ayon kay Elle, na-enjoy niya ang kanilang taping sa isla sa kabila ng pagiging mahirap din nito.

“Since nasa isla kami, s'yempre ang kalaban namin dito 'yung weather, 'yung mga natural elements. Mahirap siya pero enjoy kami kasi kahit umulan… kasi no'ng time na 'yon umuulan pa, umaambon tapos biglang aaraw,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, “Noong mga rest day po namin, naghahanap kami palagi ni Derrick, pumupunta kami sa dagat tapos maghahanap kami ng mga sea urchin, 'yun 'yung bonding namin. Tapos dadalhin namin sa shore tapos kakainin namin, papabiyakin namin.”

Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito.

Mapapanood sina Derrick at Elle sa Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN SI ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO.