
Pinatunayan nina Return To Paradise stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Eula Valdes, at Teresa Loyzaga na hindi lamang sila magagaling na aktor dahil certified pranksters din sila.
Nito lamang September 14, in-upload ng GMA Drama at GMA Network sa social media ang isang prank video, kung saan sina Derrick at Elle ang pranksters at kasabwat nila sina Eula at Teresa.
Ang target naman ng mga prankster ay ang direktor ng Return To Paradise na si Don Michael Perez at executive producer na si Nieva Magpayo.
Mapapanood dito na kunwaring sinesermonan ng mga batikang aktres ang lead stars dahil kulang daw sila sa pokus at naghaharutan. Makikita rin na nagpapaliwanag sina Derrick at Elle sa kanilang dalawa.
Naging matagumpay naman ang misyon nina Derrick, Elle, Eula, at Teresa dahil napaniwala nila ang kanilang direktor at executive producer.
“It's a prank!” sigaw nilang apat sa huli.
Napaniwala rin ang netizens at humanga pa sa galing ng pag-arte ng cast sa kanilang prank video.
PHOTO COURTESY: GMA Drama at GMA Network (FB)
Panoorin ang prank video ng Return To Paradise cast sa video na ito.
Subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: