
Humataw sa ratings ang recent episode ng afternoon drama series na Return To Paradise.
Noong Martes, September 20, inabangan ng mga Kapuso ang maiinit na mga tagpo sa nasabing serye.
Matatandaang naging mabigat pa rin sa loob ni Amanda (Eula Valdes) ang pagdadalantao ng anak na si Eden (Elle Villanueva) dahil si Red (Derrick Monasterio) ang ama ng ipinagbubuntis nito.
Pinatuloy naman ni Rina (Teresa Loyzaga) ang dalaga sa kanyang pamamahay at tila tinanggap na niya ang relasyon ng huli at ni Red. Lingid sa kaalaman ng lahat na nagpapanggap lamang si Rina dahil parte iyon ng kanyang plano upang makaganti kay Amanda.
Sa episode na ito nakapagtala ang Return To Paradise ng 8.1 percent, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa Return To Paradise, nakakuha rin ng mataas na ratings ang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap at The Fake Life noong nakaraang Martes.
Huwag palampasin ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm, sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.