GMA Logo Eula Valdes as Mrs Madrigal
PHOTO COURTESY: Return To Paradise and GMA Drama (IG)
What's on TV

Pagdating ni Mrs. Madrigal sa 'Return To Paradise,' panalo sa ratings!

By Dianne Mariano
Published October 4, 2022 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Eula Valdes as Mrs Madrigal


Umani ng mataas na ratings ang episode ng 'Return To Paradise' noong September 30. Congratulations, Kapuso!

Mainit na inabangan ng Kapuso viewers ang episode ng afternoon drama series na Return To Paradise noong Biyernes (September 30) kung saan ipinakita ang bagong katauhan ni Amanda (Eula Valdes) bilang Mrs. Madrigal.

Napanood sa ika-45 episode ng Return To Paradise na unti-unti nang pinaparamdam ni Amanda kay Rina ang bagsik ng kanyang paghihiganti.

Kakampi naman ni Amanda sa kanyang plano upang maghiganti kay Rina ay si Lucho Madrigal, na binibigyang buhay ni award-winning actor Allen Dizon.

Samantala, patuloy na nangungulila si Eden matapos ang pagkawala ng kanilang anak ni Red (Derrick Monasterio). Lingid sa kaalaman ng dalawa na ibinigay ni Rina sa komadrona ang kanilang anak bilang parte ng kanyang masamang plano.

Sa episode na ito, nakapagtala ang Return To Paradise ng 7.6 percent ratings, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Nagwagi rin sa ratings ang ika-44 episode ng nasabing serye, kung saan nakakuha ito ng 8.5 percent, at napanood dito ang patuloy na kasakiman ni Rina.

Ano kaya ang iba pang gagawin ni Amanda upang makapaghiganti kay Rina? Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.