GMA Logo Teresa Loyzaga in Return To Paradise
What's on TV

Pagkakakulong ni Rina sa 'Return To Paradise,' panalo sa ratings!

By Dianne Mariano
Published October 19, 2022 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Teresa Loyzaga in Return To Paradise


Matagumpay na naipakulong ni Amanda (Eula Valdes) si Rina (Teresa Loyzaga) at kinasuhan pa ang huli ng frustrated murder at frustrated homicide.

Tinutukan ng Kapuso viewers ang recent episode ng GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise, na pinagbibidahan nina Sparkle actors Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes.

Nagwagi sa ratings ang ika-56 episode ng nasabing programa dahil umani ito ng 7.1 percent ratings, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Return To Paradise

PHOTO COURTESY: Return To Paradise

Sa episode noong October 17, matatandaan na ipinakulong ni Amanda (Eula Valdes) ang kaaway niyang si Rina (Teresa Loyzaga) at kinasuhan pa ang huli ng frustrated murder at frustrated homicide.


Nalaman naman ni Victor (Ricardo Cepeda) mula kay Lucho (Allen Dizon) ang ilegal na negosyo ng kanyang asawa na si Rina at kasabwat pa nito ang kapatid niyang si Zandro (Paolo Paraiso).

Sa kabila ng pagpapakulong ni Amanda kay Rina, hindi pa rin siya naging matagumpay sa kanyang gusto na makuha muli ang loob ng nag-iisa niyang anak na si Eden (Elle Villanueva).

Magbabalik pa kaya ang dating relasyon ng mag-ina?

Subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.