GMA Logo Derrick Monasterio and Elle Villanueva
PHOTO COURTESY: Return To Paradise
What's on TV

Return To Paradise: Red and Eden are back on the island | Week 11

By Dianne Mariano
Published October 19, 2022 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio and Elle Villanueva


Muling nagsama sina Red at Eden sa isla kung saan nagmula at nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Sa ikalabing-isang linggo ng Return To Paradise, hinarap ni Amanda (Eula Valdes) si Rina (Teresa Loyzaga) dahil sa kanyang suspetsa na may kinalaman ang huli sa pagkawala ng anak ni Eden (Elle Villanueva).

Nang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang ina, ipinagtanggol ni Eden si Rina at tinawag pa niya itong “mama.”

Inimbitahan naman ni Sabina (Liezel Lopez) sina Red (Derrick Monasterio) at Eden sa kanyang birthday party hindi lamang para mag-celebrate kundi para sirain ang kanilang relasyon. Ipinakita ni Sabina kay Eden ang video ni Red kung saan makikita ang binata na nagpapakasaya matapos mawala ang kanilang anak.

Nang dahil sa nasabing video, nagkaroon ng matinding away sa pagitan nina Red at Eden.

Matapos ito, napagdesisyunan ng dalaga na umalis sa puder ng mga Ramos dahil sa bigat ng mga nangyari at nagtungo siya sa isla upang makahanap ng katahimikan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, labis na nagulat si Eden nang magkita sila muli ni Red sa isla. Pinanood naman ni Red sa kanyang nobya ang tunay na video at muling nagkaayos ang dalawa.

Nangako rin sina Red at Eden na hindi na nila iiwan ang isa't isa kahit anumang mangyari.

Samantala, sinugod ni Amanda si Rina sa pamamahay nito kasama ang awtoridad para arestuhin ito sa mga pagkakasala niya.

Patuloy na subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito:

Return To Paradise: Eden defends the devil | Episode 51

Return To Paradise: Bridges are burning between Eden and Red | Episode 52

Return To Paradise: The search for Eden starts | Episode 53

Return To Paradise: The fire burns as Red and Eden's love return | Episode 54

Return To Paradise: Making love under the calm moonlight | Episode 55

SAMANTALA, SILIPIN ANG PICTORIAL NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.