
Ramdam ang kilig vibes mula kina Kapuso stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa set ng kanilang pinagbibidahang show na Return To Paradise at saksi rito ang kanilang co-star na si Liezel Lopez.
Binibigyang buhay ng StarStruck alumna ang role bilang Sabina sa nasabing afternoon drama series.
Ayon kay Liezel, kinikilig siya sa tandem nina Derrick at Elle dahil sa pagiging sweet at komportable ng dalawa sa isa't isa.
“Actually grabe 'yung chemistry nila. Pagdating pa lang namin doon sa island, sobrang sweet na nila, sobrang comfortable with each other. And saksi ako ro'n sa na-build nila na relationship, which is sobrang nag-work do'n sa characters nila. Kinikilig kami sa set,” kuwento niya sa panayam ng GMANetwork.com.
Ibinahagi rin ng sexy actress na hindi kaagad bumibitaw ang dalawang lead stars sa kanilang mga karakter sa tuwing nag-cut ang mga eksena nila.
Aniya, “Off-cam, actually may nasabi si Derrick na… kumbaga 'yung mga roles nila hindi sila agad-agad bumibitaw pagka-cut. So kung ano 'yung nakikita n'yo on-screen, gano'n din sila off-screen.”
Samantala, matatandaan na inilahad nina Derrick at Elle ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa “Chika Minute” report ni Cata Tibayan.
“We just enjoy each other's company and time, and masaya lang kami kapag lumalabas kami kasi gusto namin 'yung company ng isa't isa,” ani Derrick.
Dagdag naman ni Elle, “Go with the flow lang. But then, we're not closing doors.”
MEANWHILE, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK MONASTERIO AT ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO.