
Panalo sa mga manonood ang ika-65 episode ng afternoon drama series na Return To Paradise.
Makikita sa recent Facebook post ng GMA Drama na umani ng mataas na ratings ang nasabing serye noong October 28 dahil nakapagtala ito ng 9.9 percent na ratings, base sa NUTAM People Ratings.
Sa nasabing episode, matatandaang bago nagsimula ang kasal nina Red at Eden ay tumawag si Rina at inilahad na buhay ang kanilang anak. Upang malaman ang katotohanan, kinompronta ng dalawa sa presinto ang kapatid ni Rina na si Zandro.
Matapos makumbinsi nina Eden, Red, at Amanda si Zandro, umamin na ang huli sa lahat ng mga masasamang ginawa nila ng kanyang nakatatandang kapatid.
Sa pagtatapos ng Return To Paradise, magkakaroon na kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Red at Eden?
Huwag palampasin ang finale episode ng Return To Paradise mamayang 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: