GMA Logo room no 9 characters
What's on TV

Room No. 9: Kelly saves Ada

Published May 7, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

room no 9 characters


Sa pagtatapos ng 'Room No. 9,' naipanalo ni Kelly ang kaso ni Ada.

Sa pagtatapos ng pinag-usapang K-drama na Room No. 9, napawalang sala si Ada dahil sa mga ebidensyang inihain ng abogado niyang si Kelly sa korte.

Pinatunayan ni Kelly na hindi si Ada ang pumatay kay Gabby Chu base sa unang ebidensya na nagsasabing pinainom ito ng kape na may seconal at pinasingawan ang gas ng kotse nito para tuluyang malason ng carbon monoxide, kaya napatawan si Ada ng parusang kamatayan.

Ang totoo, cervical fracture ang cause of death ni Gabby nang mahulog ito sa isang building base sa resulta ng autopsy, ayon sa emergency fire responder na si Lando Kang.

Nang inilathala ni Lando ang totoong nangyari, bigla na lang siyang nagpakamatay kahit pa walang record ng depression o ng matinding problema.

Kinuwestiyon naman ng kabilang kampo ang propesyon ni Lando. Pero batay sa resume ni Lando na iprinesenta ni Kelly sa korte, isa siyang dating medical army doctor.

Kapuso, maraming salamat sa pagsubaybay sa Room No. 9.

Sa susunod na weekend, mapapanood naman ang bagong handog ng GMA Heart of Asia.

Abangan ang Lakorn na Blacklist sa GTV simula Sabado, May 13, mula 12:45 p.m. hanggang 1:30 p.m.

Para sa iba pang updates tungkol sa iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.