GMA Logo room no 9
What's on TV

Room No. 9: Ang pagtakas ni Arjun

By Jansen Ramos
Published March 31, 2023 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

room no 9


Sa nakaraang linggo ng 'Room No. 9,' pilit na tinakasan ni Arjun ang mga pulis pero nauwi ito sa isang malagim na aksidente.

Mas kapanapanabaik ang mga eksena sa sinusubaybayang K-drama na Room No. 9.

Sa nakaraang linggo ng Room No. 9, inamin ni Kelly kay Yuri na hindi si Ada ang pumatay kay Director Arnold Ma.

Ipinagtanggol din ni Kelly si Ada mula sa kanyang nobyo at sinabing hindi niya sinasalo ang umano'y krimeng ginawa ni Ada.

Ibinunyag naman ni Kelly na si Arjun ang tunay na pumatay kay Arnold matapos malaman ng binata na ang kanyang amang si Ben ay si Gabby Chu. Dito na nagsimulang kwenstiyunin ni Arjun ang kanyang pagkatao

Samantala, pilit na tinakasan ni Arjun ang pag-aresto sa kanya ng mga pulis.

Hinarurot niya ang kanyang motorsiklo pero nauwi ito sa aksidente.

Mapapanood ang Room No. 9 tuwing Sabado, 12:45 p.m., sa GTV.

Para sa iba pang updates tungkol sa Room No. 9 at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.