GMA Logo dingdong dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, magpapahinga muna sa pagho-host ng 'Family Feud'

By Nherz Almo
Published May 29, 2023 6:52 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Excited na si Dingdong Dantes sa bagong teledramang pagbibidahan niya, ang 'Royal Blood.'

Aminado si Dingdong Dantes na bagamat una siyang nakilala sa showbiz bilang aktor, nagugustuhan na rin niya ang pagiging host, lalo na sa hit game show niyang Family Feud.

“Siyempre, noong umpisa acting [ang gusto ko],” sagot ni Dingdong nang tanungin kung alin sa acting at hosting ang mas gusto niya. Nakausap siya ng ilang piling entertainment media matapos maipakilala bilang global ambassador ng lifestyle brand na POLICE noong Huwebes, March 25.

Patuloy niya, “Yung hosting, para sa akin, performance din yun. Napamahal din ako sa hosting ng Family Feud. More than one year ko siyang ginawa. Although, ganun din yung Amazing Earth. So, para sa akin, medyo malapit na rin sa puso ko yung hosting.”

Ayon pa kay Dingdong, kakaibang satisfaction din ang naibibigay sa kanya ng pagho-host.

“I really enjoy it,” aniya. “Para rin siyang therapy for me kasi sa tuwing sumasampa ako sa stage, ang saya lang. Nakakalimutan lahat ng kailangan kong isipin. Ganun din naman sa acting. Pareho po siyang may bigat para sa akin, may diin, espesyal.”

Bagamat mataas ang ratings ng Family Feud, panandalian muna itong mawawala sa ere dahil magkakaroon ng season break.

Pero huwag daw mag-alala ang mga masugid na manonood ng Family Feud dahil sinigurado ni Dingdong na babalik din ito agad.

Aniya, “We will be having a break and babalik naman kaagad. Magkakaroon lang ng season break pero very, very soon this year, babalik din siya. Mabilis lang 'yan.”

Samantala, pagkakataon naman ito para ituon ni Dingdong ang kanyang pansin sa bago niyang TV series, ang Royal Blood.

Sa parehong panayam, masayang inilahad ni Dingdong ang excitement niya para sa nasabing teledrama.

Kuwento niya, “Halos pumi-peak na kami sa Royal Blood taping. Siyempre, kapag nag-uumpisa ka, magwa-warm up ka, mangangapa ka. Ngayong talagang [in the groove] na kami. Ang pinakamahalaga sa lahat yung characters namin dahil binubuo yung Royal Blood ng interesting characters, na magkakapatid, and yun ang talagang magdadala ng kuwento. Brothers, sisters, murder mystery pa siya, so buong-buo na yung character ng bawat isa. Very exciting kapag nagsasama-sama sa isang screen kaming magkakapatid.”

SILIPIN ANG ILANG MGA EKSENA SA 'ROYAL BLOOD' DITO: