GMA Logo Dingdong Dantes in Royal Blood
What's on TV

Dingdong Dantes, paano nakaka-relate sa character ni Napoy sa 'Royal Blood'?

By Aimee Anoc
Published June 4, 2023 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in Royal Blood


Abangan si Dingdong Dantes bilang Napoy sa murder mystery drama na 'Royal Blood,' ngayong Hunyo sa GMA.

Ngayong June 19, balik-primetime si Dingdong Dantes para sa murder mystery drama na Royal Blood.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktor kung paano siya nakaka-relate sa karakter na pagbibidahan sa Royal Blood.

Sa action-packed family drama, makikilala si Dingdong bilang Napoy, illegitimate child ng isang business tycoon at isang mapagmahal na single father na nagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging pangunahing suspek siya sa pagkamatay ng ama.

Nakaka-relate ang aktor kay Napoy dahil tulad nito ay isa rin siyang mapagmahal na ama sa tunay na buhay at may anak na babae, si Zia, na ngayon ay pitong taong gulang na.

"Well si Napoy ay isang single father dito. Although, siyempre siguro we also share the same love sa isang daughter," sabi ng aktor.

Dagdag niya, "Ang daughter ko rito, ang pangalan ng karakter niya si Lizzie (Sienna Stevens), she's seven years old and I also have a seven year old daughter. So siguro in that sense maraming mga relatable moments kay Napoy at saka sa akin."

Photo by: dongdantes (IG)

Bukod kay Zia, mayroon ding cute na anak na lalaki si Dingdong kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, si Sixto, na ipinanganak noong April 2019.

Abangan ang bagong karakter na bibigyang buhay ni Dingdong sa Royal Blood, na mapapanood na ngayong June 19 sa GMA Telebabad.

Kasama ng aktor sa star-studded na cast sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos. Ipinakikilala rin sa show na ito si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras, at Arthur Solinap. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: