GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Tapatan nina Diana, Margaret, at Tasha sa 'Royal Blood,' umani ng 4M views online

By Aimee Anoc
Published June 29, 2023 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Sa loob lamang ng 24 hours, agad na umani ng milyon-milyong views ang mainit na tapatan nina Diana, Margaret, at Tasha sa 'Royal Blood.'

Mainit na tinutukan ng manonood ang "War of the Witches" sa episode 8 ng Royal Blood kung saan napanood ang mainit na tapatan nina Diana (Megan Young), Margaret (Rhian Ramos), at Tasha (Rabiya Mateo), na pare-parehong palaban at walang gustong magpatalo.

Sa loob lamang ng 24 hours, agad na umani ng mahigit 4 million views online ang sneak peek ng paghaharap nina Diana at Tasha, maging ng una at ni Margaret.

Sa episode 8 ng Royal Blood, nakilala si Diana bilang asawa ni Kristoff (Mikael Daez), na napag-alaman na ex-girlfriend din pala ni Napoy (Dingdong Dantes).

Sa muling pagkikita nila ni Napoy, pilit na itinanggi ni Diana na kilala niya ang una. Siya rin ang utak sa ginagawang pagsabotahe ngayon ni Kristoff sa itinatayong negosyo ni Napoy.

Kapansin-pansin din ang pagiging overprotective ni Diana sa anak na si Archie (Aidan Veneracion), na mayroong autism spectrum disorder.

Kaya naman hindi naiwasang magkasagutan sila ni Tasha, nang bigla na lamang nitong inilayo si Lizzie (Sienna Stevens) sa umiiyak na anak. Ang hindi alam ni Diana ay sinusubukan lamang patahanin ni Lizzie si Archie.

Hindi rin hinayaan ni Diana na ma-bully ni Louie (James Graham) ang anak na si Archie, kung saan napagsalitaan niya ito ng hindi maganda. Nang makita at marinig ito ni Margaret ay agad niyang ipinagtanggol ang stepson na si Louie.

Pinag-usapan din online ang tapatan na ito nina Diana, Margret, at Tasha kung saan umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Bukod dito, nakakuha rin ng mataas na ratings ang episode 8 ng Royal Blood na umabot sa 9.7 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: