
Napahanga ang manonood sa mahusay na pagganap ni Sparkle Teens star Aidan Veneracion sa karakter ni Archie sa Royal Blood na mayroong autism spectrum disorder.
Kahit na challenging para kay Aidan ang pagganap kay Archie dahil ito ang kauna-unahang niyang drama role, pinatunayan ng aktor ang husay sa pag-arte at maraming napahangang manonood.
Cutie ni baby boy (19) https://t.co/PWPUjzHvjp
-- Mrs. Acacia Davis (@samuelmilky) July 4, 2023
Aidan Veneracion as Archie is showing us he could be GMA's Miguel Tanfelix in the future.#RBDaisyTattoo
-- The maximum star is still here bitches!!! (@YKapHearts) July 3, 2023
Ang galing nya ha #RBDaisyTattoo https://t.co/GrGQdmzP7l
-- ᜆᜓᜈᜒᜆ᜔ ᜇᜒ ᜊᜒᜇ (SMiLeY)😀🐰🌻 (@twanettieeeeee) July 3, 2023
Ang galing ni Aidan huhu I love watching this kid#RBDaisyTattoo
-- The maximum star is still here bitches!!! (@YKapHearts) July 3, 2023
Bukod sa netizens, napahanga rin ng teen actor si Kapuso Primetime King .
Sa interview ng GMANetwork.com, thankful si Aidan sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA na mapasama sa cast ng Royal Blood.
"Ito po 'yung kauna-unahan kong soap dito sa GMA. I'm very excited, thankful, and grateful sa opportunity na ibinigay sa akin," sabi ni Aidan.
Ikinuwento rin ng aktor kung paano napunta sa kanya ang role ni Archie, anak nina Kristoff (Mikael Daez) at Diana (Megan Young) na mayroong autism.
"Fun fact, noong audition namin, hindi talaga ako mag-o-audition for the role of Archie, hindi talaga ako naka-assign doon pero that day parang pina-audition po kaming lahat na mga boys sa lahat ng roles na possible sa mga lalaki.
"Noong audition po talagang nagulat po ako kasi hindi po ako nakapag-prepare for that role na mayroong Autism spectrum disorder (ASD) kaya ayon nag-research ako.
"Tinulungan din ako ng [production] kung ano 'yung specific na character na gusto nila and with the help of our acting coach din and Sparkle [GMA Artist Center], tinulungan nila akong makapag-prepare for this character," pagbabahagi ng aktor.
Patuloy na subaybayan si Aidan sa Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
MAS KILALANIN SI AIDAN VENERACION SA GALLERY NA ITO: