GMA Logo Rabiya Mateo
What's on TV

Rabiya Mateo's prank video on the set of 'Royal Blood' reaches 1.5M views

By Aimee Anoc
Published August 1, 2023 2:11 PM PHT
Updated August 1, 2023 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Nakatanggap ng maraming papuri si Rabiya Mateo dahil sa kabaitang ipinakita nito sa prank video na ginawa sa kanya sa set ng 'Royal Blood.' Panoorin dito.

Umaani ngayon ng papuri mula sa netizens si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil sa kabaitan at pasensyang ipinakita nito kamakailan sa set ng Royal Blood.

Sa inilabas na online exclusive ng Royal Blood na "Pranking Rabiya Mateo," mapapanood ang ginawang prank ng Royal Blood team sa aktres kung saan habang nasa kalagitnaan ito ng kanyang interview ay may makulit na tagahangang gustong magpa-picture sa kanya.

Agad na umabot ng mahigit 1.5 million views online ang prank video na ito kay Rabiya na inilabas noong July 27. Nakatanggap din ang beauty queen-actress ng iba't ibang positibong reaksyon mula sa netizens tulad ng "Sobrang humble," "Ang bait, super cool," "Likas na mabait sa kapwa."

Sa Royal Blood, napapanood si Rabiya bilang Tasha, kapitbahay na may crush kay Napoy (Dingdong Dantes). Si Tasha na rin ang tumatayong ina at tagapag-alaga ng anak ni Napoy na si Lizzie (Sienna Stevens).

Patuloy na subaybayan si Rabiya sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.